Chaos Theory

Maganda raw ang kaguluhan. Ito raw ang nagdudulot ng pagbabago. Ito siguro ang pilosopiya ng mga aktibista, rebolusyonaryo at mga terrorista. Naniniwala sila na mababago ang mundo kung mag-iingay ka, paparada sa kalsada, mamumundok o magsisimula ng giyera.

Ito rin ang tema ng "chaos theory". Sabi ng professor ko sa Org Comm, "chaos brings about change, change can cause people to think, be diferent and to develop." Tama nga sya, marami nang istorya ng mga taong bumabait matapos magulo ang mundo nila ng cancer, pagkabigo o muntikan na pagkamatay.

Naniniwala ako na kailangan natin ng pagbabago. Kung ito man ay magiging bunga ng kaguluhan, ok lang din. Ang importante ay di ang sanhi kundi ang resulta nito. Kung ihahambing mo sa buhay, dapat may konting gulo, problema o pagsubok. Dito natin malalaman na di ok ang lahat. Na kailangan natin magbago at umayos. Madaling sabihin na kuntento ka na sa buhay mo. Na wala ka ng mahihiling pa. Na masaya ka. Pero paano ka makukuntento kung walang pagbabago? Kung ano ka noon, yun ka pa rin ngayon. Kung tulad ka pa rin ng dati, paano mo masasabi na masaya ka na ngayon?

Ang sinasabi ko lang, wag tayong matakot sa pagbabago. Sa bawat desisyon, may 50-50 chance na maging mabuti ang dulot nito sa ating buhay. Para rin lang yan na lotto, paano ka mananalo kung di ka susugal? Paano mo aayusin ang mundo mo kung di mo tatanggapin na kailangan mo ng pagbabago? Hihintayin mo pa bang tuluyang magulo ang mundo mo?

Comments

Post a Comment

Popular Posts